Mga karagdagang lumang larawan ng aking masayang kababataan...
ANG KAUNA-UNAHAN KONG PHOTO
(Hindi ko ito natatandaan : )
Dagdag 092308
Ang pinakauna kong natatandaan (the oldest "memory trace" I have) ay karga-karga aku at nasa isang karnabal (carnival) na maraming ilaw at may roller-coaster at merry-go-round. Maaaring sa malawak na grounds ng "Pag-Asa" sa Law St. (= Gordon Ave.) sa Olongapo, Zambales ito. Pero ang merry-go-round ay tulad ng mga nasa U.S. na may carousel at may mga kabayo. Marahil ay sa loob ng U.S. Naval Base o sa may Gate nito ito ginanap. Kailangan ng historical records para matanto ko kung ano itong karrnibal na ito na unang-una kong natatandaan. Kaya naman pala mahilig aku sa patawa o comic clowning eh! Baka ipinaglihi aku sa payaso HAR!
BUNSONG SANGGOL
Kasama ko ang aking dalawang kapatid
at ang tiyahin (pinsan ng nanay ko) kong
nakapag-asawa ng Canadian.
Namatay na siya at nakalibing sa Canada.
Siya ang naghahatid sa akin sa paaralan.
Habang pinaaarawan sa likod bahay.
Kinagat ko ang daliri ng aking kapatid.
Masdan ang naka-sombrerong mag-bobote sa likuran
at ang kahon ng "Liberty Milk" at basurahan noong
araw na yari sa kawayan yata...
WHAT'Z UP? WHY AM I HERE? WHAT ARE YOU TRYING TO DO?
Sigurado kong aku nga ang sanggol sa larawan...
Ang mga sanggol/baby ay nakatutuwa.
Malinis at mabango pa sila at hindi pa napapasok ng
bacteria o viruses o parasites ang kanilang katawan...
at higit sa lahat ay INNOCENT pa sila...
Maputi aku noong bata pa. Aku nga ang pinaka-maputi sa amin sa pamilya.
Marahil ay galing ito sa either Spanish o Chinese blood o both na nananalytay sa ugat ko at tulad din nang marami sa aking mga kababayan... Op kors, Malay nose aku (SOCRATIC NOSE)
Natututong maglakad...
Ang mga unang nilalang sa Olongapo (sa lugar namin) ay hindi ang mga Aeta o ang mga Tsino
(Mga tumakas sa Komunistang Tsina) kundi mga talangka! Tabun o reclaimed land lang talaga ang malaking bahaging kinatitirikan ng mga bahayan kaya parang buhangin ang lupa...
Heto na... Simula na ng mga PROBLEMA ko sa BUHAY!
Pasakayin ba naman aku sa matigas na kahoy na kalabaw!
Susmaryosep! Sana man lang eh kabayo para may "CLASS" a la KNIGHT O COWBOY!
Kung sa ngayon nga at anak ko ang kukuhaan ko ng ganitong litrato eh sa
mini-motorbike na BMW o HARLEY-DAVIDSON ko ito isasakay!
Kita nyo ang ginagawa ng matatanda sa mga bata!
Sa harap ito ng tindahan (SOUVENIR SHOP) ng tiyahin ko.
HETO PA! SULIRANIN sa ibang TAU naman!
Aku at ang aking matalik na kaibigan at kababatang si REY
sa harap ng kanilang tindahan/kapitbahay
HIndi naman kami nag-away. Tila/Para lang...
THE TWIN TOWERS OF MAGSAYSAY DRIVE, OLONGAPO
Aku at ang aking BEST FRIEND karga-karga ng aming GUARDIAN "Angel(es)"
Nasa likuran ang tindahang pag-aari ng nanay ng kaibigan ko. Batanguena rin ito. Siya ay mukhang CAUCASIAN dahil malakas ang Hispanic/Iberian "Portuguese" blood niya mula sa ama.
Tatlong larawan ng "katipunerong" naka-salakot:
Mula sa itaas kasama ang aking ina, lola at tiya.
Sa ibabang photo makikita ang mga souvenir wooodcarvings
na itinitinda ng aking tiya, kabilang na ang "Spoon & Fork", Flower Holder, Painting ni Propetang Hesukristo sa Gethsemane... Kabilang sa mga sigarilyo ang BATAAN MATAMIS, LUCKY STRIKE, CHESTERFIELD, KING'S CUP atbp...
Mahilig talaga akong mag-paa noong bata pa aku. Malamig sa paa.
Ang larawang ito ay tandang-tanda ko pa. Malakas sa memorya ko nang kuhaan ito.
Isa pa itong tandang-tanda ko pa. Suot-suot ko ang pabotiro kong cover-all.
Nasa likuran ang isa na namang mag-bobote! (Ngayon nga dito sa amin sa QC eh dumarami pa nga ang mag-bobote! Ang "SEA HORSE" ay isa noong parang mini-restaurant/bar lang at hindi pa talaga nightclub. Nagsisimula na ang pagpapalit anyo ng Magsaysay Drive. Magiging itong "Red-light District" at ang Olongapo at Angeles, Pampanga ay magiging "Sin Cities". Simula ito ng paglala ng VIETNAM WAR at ng pagdami ng mga tropang Amerikanong nag-"R&R" (Rest & Recreation) sa dalawng siyudad.
[ADDED: April 09, 2009 ("Maundy Thursday" to Catholics here) The lot or building at the rightmost edge of the picture is PHILIPPINE? OR INTERNATIONAL? RED CROSS... After SEA HORSE is SALIBA property if I am not mistaken or another property and the fourth? or fifth? property is RED CROSS office. This was in the 1960's. Fronting all properties on our side is a whole block-length, the DEL ROSARIO property.]
Kuha sa may "backyard" ng aming bahay kasama ang aking kapatid at dalawang tiyahin (mga pinsan ng aking ina) - yung namatay na at nailibing sa Canada at ang kapatid niya na nasa U.S.A.
Ang tiyahin kong nasa U.S.A. na ngayon at ang aking dalawang kapatid...
Umiiyak na naman yata aku dito... Sa lugar na ito sa may di kalayuan ay mayroon kaming balong sunugan ng basura. Isang araw sinusundan ko ang aking kapatid na lalaki palakad-lakad sa paligid ng balon. Naka-paa aku noon. Tumulay siya sa isang mahabang kahoy . Ginaya ko. Kaso, may baga pala ito. Naging "FIREWALKER" aku na wala sa plano at "practice". Hindi ko na matandaan ang mga "events" partikular ang pagkakapaso ng paa ko. (Dapat naka-baon ito dahil PAINFUL experience eh!) Simula noon eh nag-tsitsinelas na aku. YOU LEARN IN LIFE FROM/THROUGH YOUR EXPERIENCES...

No comments:
Post a Comment