MGA LARAWAN NG NAKARAAN

Monday, March 3, 2008

030408

Martes, Marso 04, 2008

Time really flies!
(Lumilipad talaga ang oras!?)
Ang bilis talaga ng panahon!

Chamba o Conspiracy?
Kaninang bandang 11:30-12:00 habang naglalakad aku pauwi
sa karaniwang ruta ko eh may na-daanan akong isang barahang nakataob...
Sinipa ko para ito ay bumaligtad.
Ang baraha ay "JOKER" na ang hitsura ay "court jester" -
/\/\/\ ang suot sa ulo...

Alam ko na alam nila...
Pero alam ba nila na alam ko
na alam rin nyo na alam nila?
At alam ko na alam ni...

====================================================

Circa 1966?-1968?
St. Columban Elementary School
Olongapo, Zambales
I'm the shortest of the four

Hindi aku magtataka kung lahat ng mga nasa
larawan (maliban sa akin) ay pawang nasa bansang Amerika na ngayon...
Ang nasa kanan ko na batang naka-pantalon ay si "John James' na isa na noong American Citizen
at American accent mag-salita... "American Sixty-Cents". Nasa kaliwa ko naman ay isang malinaw na mestisong Amerikano. Ang matangkad na batang nasa kanan ay anak (yata!) ng Hapon sa Pilipina na naging adopted child ng isang puting Amerikano na descendant ng isang kilala/tanyag na imbentor... Nasa likuran ang isang batang naka-suot ng "dunce cap". Pantay-na pantay ang aking mga medyas... nguni't asar aku sa aking shorts na tila baga may buntot sa likod... Hindi talaga aku ma-kuntento sa aking sarili o mga gamit... Parang may hindi tama o kulang... sa buhay, sa sarili o sa paligid ko... Ang St. Columban ay pinatatakbo noon ng mga Irish Catholic priests & nuns... Marami akong mga naging kalarong purong puting Amerikano... Naglalangoy kami sa loob ng base militar sa swimming pool ng mga anak ng U.S. servicemen kung saan karaniwan ay kami lang o iilan lang ang kayumanggi... May ilan na racists na ang turing sa mga natibo ay "monkees" nguni't kakaunti lang talaga ang mga ito... Sino ang talagang racists sa mga puti?

No comments:

About Me (Tungkol sa Akin Ayun sa Akin))

MANILA, NUSANTARA
SI AKU