"CHILD OF A GOOD FAMILY"
Ang larawan ay may petsang Dec. 25, 1962 Araw ng Pasko at karaniwang araw ng pamamasyal/
(OLD POSTCARD sold at my aunt's souvenir shop)pagsasaya sa bansang ito... Ang sapatos ko ay yari sa tunay/genuine na leather at kinalakihan ko at ipinamigay na lang. Ang BELL nito ay tumutunog kapag lumalakad ang may suot. Ngayon (2009) ang sapatos ng mga bata ay high-tech na may LED flashing lights/ilaw at marahil sounds... Nakatingin aku sa kaliwa (kanan ko) dahil may umaalaska/umaasar/nagbibiro sa akin? [Am looking to my right 'coz someone's making faces at me.]
LIGHTHOUSE POINT AT KALAKLAN
Actually an automatic BEACON, another one at an island in the middle
of the bay to the right of the picture
LIGHTHOUSE POINT AT KALAKLAN
Actually an automatic BEACON, another one at an island in the middle
of the bay to the right of the picture
Nasa gitna ang CUBI POINT at nasa kanan ang GRANDE ISLAND. Isa sa pinaka-gusto ko/pinaka-magandang/pinaka-memorable na lugar para sa akin sa Olongapo ay ang point na ito... May malalim na nadarama aku lalo na kapag sunset... Yun para bang nandidito ka lang sa mundo temporarily - isang PASSING SCENE lang ang EXISTENCE at nahiwalay sa tunay mong pinag-mulan na "ETERNAL" at "TRUE" (Feeling of Transcendence)... OP KORS wala na itong eksaktong scene na ito dahil nang pumutok ang Mt. Pinatubo eh natabunan ng napakaraming lahar ang lugar na ito at ang beachline ay siguro nasa bandang laut na... Ang larawan ay napapasukan nang isang "realidad": isang HUMAN ARTIFACT: isang malaking bakal na bapor/barko na pandigma ng U.S. na isang aircraft carrier na ginamit sa Vietnam War... Ngayong taong 2009 ang mga issue: SMITH & NICOLE, VFA, WAR IN AFGHANISTAN, etc... Nauunawaan ba ng mambabasa ang ibig kong sabihin na itinuturing kong isa akung "historical being" kahit may purely private/existential aspect/feature ang inilalahad ko hinggil sa larawan?... TANONG: Alin ang mas TUTOO: ang INSTITUTIONAL FACT ng barko at GIYERA/DIGMAAN O ang mga peaceful private feelings ko? NAKS NAMAN! WAXING PHILOSOPHICAL... Ipa-WAX ko na lang kaya ang sahig sa iyo?! HAR!
E-2-2-LOY
Iba talaga ang ipo-post ko sana pero hindi ko pa makita ang mga larawan eh...
Ang una daw na bus sa Zambales/Olongapo ay ang TRITRAN na pag-aari ng nakalimutan ko na... Tapus ay nabili ng mga Trinidad-Hernandez... Tapus naging VICTORY LINER... May iba pang bus noon; SAN/ST. RAFAEL bus na ang design ay parang sa lata ng sardinas, berdeng SAULOG bus na galing CAVITE... sa Pampanga may La Mallorca Pambusco... Hindi ito ang nasakyan ko noong 1960's pero kahalintulad nito ang mga bus na "UNITED" at "B-T-CO" (BLTB ng mga Potenciano?) sa Batangas. Ang bus na ito ay bukas ang kabilang bahagi kung hindi aku nagkakamali. (Pero may pintu sa harap yata?) Ang bahagi lamang sa kaliwa ng bus ang may tapalodo o takip... Ang kabila ay bukas kung saan pumapasok ang mga pasahero at pasabit na nagpapalipat-lipat ang konduktor... Ang katulad na istruktura ay yung dating jeepney na nakaparada sa harap ng Kamayan/Ihaw-Ihaw sa kanto ng Quezon Ave. at Timog Ave. dito... Malaki/Malayo na ang ipinagbago ng mga bus at sasakyan ngayon... HIGH-TECH na... Pero ang mga pasahero/taung sumasakay? Nagbago ba - ang kanilang mga buhay?, ang kanilang mga pag-uugali?
Ito ang mismong katapat ng property ng tiya ko sa Magsaysay Drive sa Olongapo. "YEE"yata ang may-ari noon... Nasa larawan ang dalawa sa mga tiyahin ko, ang nasa kanan ay kapatid ng tiya kong may-ari. Ang batang babaeng umiinom ng softdrink ay malinaw na isang Amerikana... Masisilip sa bintana ng kotse na may dalawang "mokong" na gustong umeksena sa larawan sa likod ng kotse... Ito ang ibig kong sabihin nang mga alaskador sa una kong larawan sa itaas... Kahit "historic" ang isang larawan ay may umeeksena pa ring mga COMEDIANS/CLOWNS, ano? Mga bandang 1960's ito pero noong mga 1980's to 1990's eh naging HARD ROCK CAFE yata ito... Hindi ko na sigurado dahil hindi ko tinandaan eh...
Mga iba pang karagdagang larawan sa isang lumang PHOTO ALBUM namin sa Batangas... Wala namang specially memorable hinggil sa mga ito... Masdan lang ang TRUCK sa may bandang gitnang kanan ng barkong nakadaong... Itong truck na ito ang tinatawag na SIX-BY-SIX (6X6) noong 1950's to 1970's. Marami nito sa Pampanga kung saan ginamit itong pang-hakot ng tubo sa mga tubuhan doon...E-2-2-LOY
Iba talaga ang ipo-post ko sana pero hindi ko pa makita ang mga larawan eh...