MGA LARAWAN NG NAKARAAN

Sunday, March 29, 2009

14TH POST: MORE BATANGAS & OLONGAPO PIX

March 30, 2009
At Home

Again, isang PASAKALYE/INTRO muna...
NERVOSONG PIANISTA
Siyempre naman, PASAKALYE muna ng BIDA... Piano Recital sa Olongapo sa loob ng isang kapilya ng isang Protestanteng grupo... Masyadong kabado na nakalimutan ko tuloy ang numero unong tanda ng isang magaling na pianista: ang tamang POSTURE... MALI/BAD practice ang FLAT o sayad na mga daliri... Dapat ay naka-kurba ang mga daliri at fingertips lang ang tumatama sa mga tiklado... Mas mahalaga kasi sa akin ang tamang mga nota ng tinutugtog ko kaya nakalimutan ko. PERFECT at walang pagkakamali sa pagtugtog... Kaso mo INCORRECT POSTURE... Kahit kailan yata ay hindi nawawala ang STAGE FRIGHT sa akin... HINDI PUWEDENG LEADER ng STOOP MASSES...


INAY's DROWING
Ipina-DIAGRAM ko ang bahay na pawid ng mga matatanda noong pre-1940's... Ito ang iginuhit ng nanay ko... Mahalaga lang ang mga sumusunod nd mga salita:
-BANGGERAHAN (wrong spelling niya)
-BATALAN
-LATUK
-BANIG
-BAUL
E-2-2-LOY sa BATANGAN STUDIES ko under NUSANTARA/MALAYOLOGY...


ANG BANGA
Ito ang sisidlan ng tubig na inumin ng mga matatanda sa amin (mga LOLO at LOLA)... Matanda na raw ito... Natatandaan ko noong 1960's-1970's kapag nilalagyan ito ng tubig galing sa hose ang FILTER lang ay isang katsa na tinupi ng doble... Minsan nga eh may KITI-KITI pang kasama... Pero huwag ka dahil ang mga umiinom ng tubig mula dito eh tumagal hanggang sa edad 80's at 90's. Ikumpara sa kasalukuyan (21st century) na may BOTTLED WATER sa PLASTIC na nilinis ng katakut-takot na PROCESSES... Palagay mo tatagal ba ang mga buhay natin sa PRESYO ng mga bilihin at sa mga nakahalong POISONS/TOXINS sa mga MODERNONG kagamitan at pagkain kabilang na ng PLASTIC BOTTLES?... TALK OF Material PROGRESS...

ANG MESANG BILOG (ROUNDTABLE)
Luma na rin ang isang ito pero segunda-klase lang dahil may hati sa gitna... Ang tunay na mamahaling ANTIQUE ay yung isang buong bilog... Pero dapat mahal din ito dahil at least 1920's to 1930's pa yata ito... Hmmm... nahahalata nyo ba na parang balak kong ipagbebenta ang mga lumang items/HEIRLOOM sa bahay namin? Balak ko nga yung buong second-floor eh ipabaklas at ibenta na eh HAR! Dito nakakatalo ko lahat sa amin... ABA eh GFC na !!! Kasi para sa akin anumang luma na hindi na nagagamit eh... BASURA na! CONTRADICTORY yata sa paniniwaala ko hinggil sa KAHALAGAHAN ng KASAYSAYAN?!... [Ang RATTAN na upuan ay 1960's lang... Masdan ang DESIGN ng sahig namin... MAHALAGA ito sa mga darating ko pang ilalahad/isasalaysay...

U.S. ARMY LOCKER
Ikinuwento sa akin na iniwan daw ito noong late 1940's ng isang malaking puting sundalong Amerikanong MILITARY CHAPLAIN... Ang laman daw ay isang BIBLE na matagal ko nang ipinamigay o ibinenta... Naka-ukit sa bandang itaas ang mga salitang "T. PAINE"... Pakatandaan ninyo ito, hah! - "T-PAINE"... Very utile ang ALUMINUM LOCKER na ito na pinaglalagyan namin ng gamit-pang-kusina... Kung aku nga ay isang ALUMINUM MANUFACTURER eh kokopyahin ko ang DESIGN dahil napaka -EFFICIENT... Hindi mapapasok ng daga... May drawers pa sa loob at puwedeng ikandado... Ganito ka-HIGH-TECH ang mga AMERIKANO na itong 1940's ARTIFACT nila eh ni hindi yata magagawa ng mga taga-rito kahit ngayong taong 2009!... Kaya nga ba nag-sususpetsa aku na ET yata sila eh!!!


SELF-EXPLANATORY na ang mga sumusunod na pahina ng 1959 OLONGAPO TOWN FIESTA Souvenir Program... HOY! Hindi pa aku sumusulpot sa mundo noon, hah!

1959 PHILIPPINE PRESIDENT CARLOS P. GARCIA
(Representing the "FILIPINOS"?)

SUBIC U.S. NAVAL BASE COMMANDER REAR ADMIRAL ARTHUR F. SPRING
(Representing "AMERICA"?)

ZAMBALES GOVERNOR MANUEL BARRETTO
(Representing "SPAIN"?)

Ang AMA ni SEN. RICHARD GORDON...
Inassassinate siya noong late 1960's o 1970's...
KABITENYO talaga ang mga GORDON na mestizong AMERIKANO...

Halu-halong tribo ang mga taga-Olongapo...
May Zambali, Ilukano, Kapampangan, Tagalog, Bisaya atbp
E-2-2-LOY
TIPONG HISTORIC(al) nga, ano?...

No comments:

About Me (Tungkol sa Akin Ayun sa Akin))

MANILA, NUSANTARA
SI AKU