MGA LARAWAN NG NAKARAAN

Sunday, September 28, 2008

11TH POST

092908

Ang POST na ito ay katugma ng POST ko sa BLOG ko na

http://the-conspiracy-of-one.blogspot.com

kung saan tinatalakay ko ang hinggil sa BATALAN, isang parte ng mga bahay noong araw na hindi na matatagpuan sa mga bahay sa kasalukuyan. Ang BATALAN ay binanggit ng mga sinaunang dayuhang manunulat tulad nina MORGA, JAGOR , ATBP na nakakita at nakapansin sa naturang bahagi ng arkitektura o pagkakagawa ng mga bahay ng mga katutubo. Mayroon ditong tatlong (3) larawan na nagpapakita ng tinatawag na "BATALAN":


BATANGAS 1952-1953 "LULU"
Sa harap ng ancestral home namin sa Alitagtag. Ito ang mataas na bahay sa kanan na may mga bumbilya sa harap. Ang bahay sa kaliwa ay kina Ka Simeon na nagsasaka/naglilinang ng lupa namin sa likod-parang o "Ibaba". Masdan ang BATALAN sa harap ng bahay na ito. Ang BATALAN ay walang bubong at may sala-salang kawayan na dingding. Ang BANGGERAHAN naman na hugasan ng mga plato ay nasa dakong likod na may dalawang tukod/poste at may mga kawayan o kahoy na tulos? na maaring pagsabitan ng mga baso... Aling LULU (R.I.P.) is/was a distant relative of a FORMER MAYOR OF QUEZON CITY... Now, don't ask me why/how this happened to be the case


BATANGAS, 1952+
Ang nanay ko ang nasa kaliwa at ang tiya ko na nakakita ng lumulutang na kamay ang naka-salamin at nakapamay-awang sa kanan. Ang matandang lalaki ay "si Ka Atong na ama ng Mariang Erning na taga-Dalipit" at matagal nang namatay. (Hindi ko siya inabot.) Masdan ang tsinelas ng matanda. Ganito ang mga suot noon ng matatandang kalalakihan. Kitang-kita ang BATALAN ng bahay ni Ka Simeon na nakapamintana sa dakong gitnang-itaas ng larawan. Ang BATALAN ay medyo natatakpan ng nakasampay na bagay at dito paakyat ang hagdan.


OLONGAPO, ZAMBALES OR BATANGAS (UNSURE)
Ito naman ay larawan ng isang "NELY" na hindi ko kilala. Ang BATALAN ay nasa bandang gitnang-kaliwa sa tabi ng nakabukas na bintana at meyo nadaanan ng kahoy na hawak ng tau. Simple lang ang isang ito nguni't may bubong pero ito ang tinatawag nga na BATALAN.
Patungkol ang PHOTO sa aking namatay na tiya at may petsang "12/7/46". Nasusulat sa likod: "For get me not For get me never For get this picture But not the owner" COMMENT ko: Saan ka man naroroon Aling Nely, huwag kang mag-ala-ala dahil you will go down in history... Dahilan ito sa BATALAN na nasa may likuran mo sa larawan! (Ang problema lang eh baka dumating din ang panahon kung saan aalisin ang tau sa gitna at ang pananatilihin ay ang bahay at BATALAN na lang...

E-2-2-LOY ko na lang later ang BATALAN este BATANGAN studies ko...

TMNP

No comments:

About Me (Tungkol sa Akin Ayun sa Akin))

MANILA, NUSANTARA
SI AKU