MGA LARAWAN NG NAKARAAN

Saturday, February 16, 2008

021708

Ang mga sumusunod ay mauunawaan lamang kung babasahin ang blog sa URL na:

=============================
http://the-conspiracy-of-one.blogspot.com
=============================

MGA LARAWAN NG NAKARAAN

Sabida sa wikang Inggles, "A picture is worth a thousand words."

Sa tutoo lang, HINDI KATUMBAS ng salita ang larawan...
Ang wika ay naka-ugat sa tunog, sa bibig. labi at dila, samantalang ang mga imahe ay nakasalalay sa mata, sa paningin at liwanag at dilim... [Ang hirap palang managalog!]

"Twin Towers of Alitagtag"

Ito ang larawan ng "ancestral home" bahay namin sa Alitagtag, Batangas. Yung nasa kaliwa/kiri ang sa amin o pamilya Pagsuyuin-Gonzalvo. Yung sa kanan ay sa Calingasan-Gonzalvo. Itinayo ang sa amin noong 1952. Ang plano ng bahay ay ginaya sa isang bahay sa Pampanga na nagustuhan ng tiyahin ko. (Nag-aahente siya noon ng P&G products.)


Procter&Gamble PMC Circa 1936-1938

Ang tiyahin ko ang naka-upo sa dulong kanan. Sa dulong-kaliwa naman ay isang nag-ngangalang "Miss Cera o Sera MARTIN". Nakatayo sa dulong kaliwa ang isang nag-ngangalang "Maring o Maria BONIFACIO" na kilala ni FPJ o ni Fernando Poe Senior(?)...

Masdan ang mga produktong P&G sa paanan nila. Nasa kaliwa ang "CAMAY beauty soap" at nasa kanan ang sabong "IVORY". Nasa gitna ang "STAR margarine"( De-lata tulad ng Danish "BRUN" at ng isang brand ng de-latang New Zealand butter na mabibili sa mga supermarket). Ang mga produktong ito ay gawa mula sa langis ng niyog.

Nginat-ngat ng daga o ipis
Batangas 1963/64(?)
Aku at ang aking Lola
(Ang mga lalaking nakapaligid ay mga tsuper ng U.S. Navy Special Services)

Pinalaking bahagi ng larawan
[Nakahawak sa kanyang saya habang nilalaro ng aking mga paa ang nakakikiliting "Bermuda Grass". Ipinapakita nito ang aking "attachment" sa kanya. Masdan na nakapaa rin ang matanda.

"EMOTIONAL ATTACHMENT"
Fort Mckinley/Fort Bonifacio
Circa 1964

Naka-bandana at baro't-saya


No comments:

About Me (Tungkol sa Akin Ayun sa Akin))

MANILA, NUSANTARA
SI AKU